GMA Logo KALURKS host DJ Jhai Ho
Photo by: Clare Cabudil/GMANetwork.com
What's Hot

DJ Jhai Ho kung bakit nananatili pa rin sa industriya: 'I love listening to people'

By Aimee Anoc
Published September 9, 2026 5:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gilas Pilipinas vs Bahrain: PH begins 2026 Asian Games title defense
Babae, Patay Human Mabangga ang Gisakyang Motor sa Sidecar sa Mixer Truck | Balitang Bisdak
Authentic Japanese food, MAY PINOY TWIST! | Farm To Table

Article Inside Page


Showbiz News

KALURKS host DJ Jhai Ho


May challenge pa rin kaya kay DJ Jhai Ho ang mag-host ng talk show tulad ng 'KALURKS!'? Alamin dito.

Mahigit isang dekada na sa industriya ang KALURKS! host na si DJ Jhai Ho bilang radio disc jockey, showbiz reporter, at host.

Sa naganap na media conference ng KALURKS!, inihayag niya kung bakit nananatili pa rin siya sa industriya.

"Siguro kasi araw-araw na-e-excite ako sa mga nakakausap ko because I love listening to people na nagshe-share ng journey nila," sabi niya.

"Sabi ko nga sa ginagawa kong trabaho, sa araw-araw kong nag-i-interview, Monday to Sunday, mapasikat o nagsisimula pa lang, parang pakiramdam ko, kagaya ng mga fan or ng mga lurker natin sa social media, nandu'n pa rin hanggang ngayon sa akin, na-e-excite ako sa malalaman ko sa kanila.

"'Yung element of curiosity sa lahat ng mga tao kahit sino ka man, ano man ang estado mo sa buhay, feeling ko, lahat tayo mayroong puwedeng ikuwento na kapupulutan ng aral."

Nang tanungin kung may challenge pa rin ba sa kaniya ang pagho-host ng talk show tulad ng KALURKS! dahil sa ilang taon niyang experience bilang showbiz-oriented radio at TV host, sagot ni DJ Jhai Ho, "Everyday is a challenge for me."

Pagpapatuloy niya, "Kasi siyempre hindi ka dapat magpakakampante sa trabahong ginagawa mo. Feeling ko parang isa 'yon sa dahilan kung bakit up until this very moment is pinagkakatiwalaan pa rin ako ng mga tao.

"Kasi siyempre maraming nakakakita na 'yung mga interviews na ginagawa ko, 'yung mga scoop na nire-reveal ko is from the other network, pero isa sa kinae-excite-an ko talaga is mayroon na akong freedom to do interviews, one-on-one, in-depth, o kung ano man 'yan sa mga Kapuso artists naman this time.

"Pero hindi lang Kapuso artists 'yung prio natin for the show, pangkalahatan talaga siya. Isa 'yon sa kinae-excite-an ko talaga dahil marami rin naman akong friends na mga Kapuso artists na nakapanayam ko na rin sa mga past interviews, pero this time, kumbaga, mayroon na akong basbas, may binyag na sa akin na, 'Okay! Gawin mo 'yan para sa KALURKS!'"

Samantala, makakasama ni DJ Jhai Ho bilang hosts ng pinakabagong live entertainment talk show sa GTV na KALURKS! sina Ashley Rivera at Baus Rufo. Abangan ang KALURKS! tuwing Linggo, 8:30 p.m., simula September 13.

Maging updated sa KALURKS! Bisitahin ang GMA Entertainment website at GMA Play app para sa latest updates, exclusive content, at trending topics.

Related gallery: Meet the Kalurker trio of GTV's newest talk show 'KALURKS!'