
Masaya at sobrang grateful si DJ Jhai Ho sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng Kapuso Network na maging isa sa mga hosts ng pinakabagong talk show na KALURKS!.
Sa naganap na media conference ng KALURKS!, ibinahagi niya ang kuwento ng pagkakasama niya sa nasabing show.
"Yes, first talk show na pinagkatiwala. Alam mo, may kuwento 'yan e," sabi niya.
"Parang 'di ko sure ah, mga boss. Parang feeling ko tinawagan nila ako, and then I guested for Your Honor kay Madam [Chariz Solomon] at Buboy [Villar]. Tapos parang feeling ko, 'di ba sinasabi lagi nga na parang every time na a-appear or may gagawin kang something sa trabaho mo, dapat ibigay mo 'yung best mo. Wala naman akong idea na right after may guesting or after a week, days, tatawag sila para ibigay 'yung offer na 'to.
"So sabi ko, 'Ay! Ang taray noh! Despite of all the bashing na natanggap ko after nung episode kasi may pa-blind item, 'di ba part of the segment. Pero grabe kapag nakikita naman talaga... because we're doing entertainment, 'di ba 'yung bashing nag-leads to blessing. Siguro kasi 'yung totoo lang 'yung binabalita mo, 'di ka naman nag-imbento," dagdag niya.
Ipinarating din ni DJ Jhai Ho ang saya na makasama bilang mga host sa KALURKS! sina Baus Rufo at Ashley Rivera.
"Sobrang saya. Alam mo, nakakatuwa kasi hindi ko in-expect na darating 'yung ganitong opportunity for me, pero sobrang grateful ako.
"Syempre, na mailinya with Baus Rufo na ngayon ay very trending sa lahat ng ginagawa n'ya. Of course, with Ashley, matagal ko nang nakatrabaho. Lagi kong sinasabi 'yan na parang segment producer pa lang ako before, paglipad niya ng Pilipinas as Petra Mahalimuyak nakatrabaho ko na siya.
"Nakakatuwa kasi nagkakaroon ako ng pagkakataon para i-explore 'yung iba't ibang mga network. Kasi nag-try na ako sa Kapamilya, nag-Kapatid din ako before, and finally, nandito na ako. Sabi nga nila Baus, 'di ba, 'Where I belong, Kapuso.'"
Abangan ang KALURKS! tuwing Linggo sa GTV, 8:30 p.m., simula September 13.
Maging updated sa KALURKS! Bisitahin ang GMA Entertainment website at GMA Play app para sa latest updates, exclusive content, at trending topics.
Related gallery: Meet the Kalurker trio of GTV's newest talk show 'KALURKS!