
Hindi makalimutan ng radio DJ at event host na si DJ Jhaiho ang na-witness niya sa isang event na may isang celebrity na tila uhaw sa atensyon.
Sa guesting ni Jhaiho sa Your Honor, napakuwento siya sa ginawa ng celebrity na feeling niya ay OA.
Lahad niya kina Chariz Solomon at Buboy Villar, “Nasa loob ka ng event, pagabi na, si bakla hindi naman kita kilala sa totoong buhay, super shades ka 'te!”
“Paartista ha!” Binigyang diin ng radio host. “Daig pa 'yung mga artista na mga nandodoon. Pikon na pikon ako, palakad-lakad siya sa harapan ko.”
Sumunod na ginawa ni DJ JhaiHo, “Sinisigawan ko na nga na, 'Ay 'teh! Lakad nang lakad wala namang pumapansin hindi naman kita kilala, ginaganun ko na talaga siya. Tapos naririnig na ng ibang artista na kilala.”
Tuloy pa rin daw sa pagpapapansin ang naturang celebrity suot ang kanyang shades. “Bakit ganun ang dating sa kanya, ang dating sa kanya ang akala niya siya si ano, siya ang pinasikat sa ganap. Naka-shades, lakad nang lakad, papansin nang papansin. Ate, manahimik.”
@youlolgma Ginigigil mo si DJ Jhai Ho! Watch Full Episodes available on YouLOL YouTube channel! Link in bio ⬆️ #YourHonor #youlol #youlolgma #gmanetwork #youlolyourhonor #JhaiHo #charizsolomon #buboyvillar
♬ original sound - YoüLOL
Balikan ang iba pang blind items na ibinahagi ni DJ Jhaiho sa House of Honorables sa episode below.