
Inamin ni DJ Loonyo na hindi siya torpe pagdating sa panliligaw salungat sa bago niyang kanta kasama ang sikat na hip-hop artist na si Gloc 9, ang "Bakit."
Sa interview sa Behind The Song Podcast, sinabi ni DJ Loonyo na inilagay lamang niya ang sarili sa posisyon ng kaibigan habang isinusulat ang "Bakit" kung saan ito ay may pagka-torpe.
"Basically para s'yang isang tropa namin na kaya naman n'ya pero hindi n'ya kayang sabihin doon sa babae 'yung gusto n'yang sabihin," pagbabahagi niya.
Dagdag ni DJ Loonyo, "Hindi ako torpe, makapal 'yung mukha ko. Dati ganito kasi ako kapag mag-e-express sa isang babae. Ie-express ko tapos right after ikaw na bahala kung ano sasabihin mo sa akin. If it's a no, it's a no. At least alam ko na 'Okay, walang chance 'to o baka may chance pa.' Kailangan mo talagang sabihin. Parang mapiprito ka kapag i-keep mo lang sa sarili mo."
Inilabas ang bagong single ni DJ Loonyo kasama si Gloc 9 noong December 17, 2021.
Pakinggan ang buong interview ni DJ Loonyo sa Behind The Song Podcast dito:
Samantala, mas kilalanin pa si DJ Loonyo sa gallery na ito: