GMA Logo Doc Alvin Francisco wedding
Source: docalvinfrancisco (IG)
Celebrity Life

Doc Alvin Francisco on marrying Maki Bondoc: 'Sa wakas magagamit ko na ang mga tips'

By Aedrianne Acar
Published November 11, 2024 10:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Sibol Women dethrone Indonesia to reach Mobile Legends finals
Tight security at ports, terminals in W. Visayas for the holidays
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Doc Alvin Francisco wedding


Tuwang tuwa ang netizens at fans sa wedding ni Doc Alvin Francisco at ng kanyang fiancée na si Maki Bondoc.

Nangyari na ang dream wedding ng sikat na YouTuber at licensed doctor na si Doc Alvin Francisco sa kanyang fiancée na si Maki Bondoc.

Idinaos ang kanilang Catholic wedding noong Biyernes, November 8, sa Shrine of St. Thérèse of the Child Jesus in Pasay City.

Nag-post si Doc Alvin ng ilang kuha sa kasal niya sa Instagram at biro nito sa caption, “Sa wakas magagamit ko na ang mga tips”

A post shared by Doc Alvin (@docalvinfrancisco)

Marami ring fans at netizens ang bumati sa bagong kasal.

Source: docalvinfrancisco (IG)

Ilan sa mga internet personalities na nakita pumunta sa wedding ni Doc Alvin ay mga kapwa content creators niya sa medical field na si Nurse Even (o John Steven Soriano in real life) at si doctor Dex Macalintal.

Matatandaan na noong 2022, napanood bilang guest si Doc Alvin sa high-rating afternoon series na Abot-Kamay na Pangarap na pinagbibidahan ni Jillian Ward. Mayroon siyang mahigit one million subscribers sa YouTube at 2.8 million followers din sa TikTok.

RELATED CONTENT: