
Nagbigay ng kaalaman sa publiko ang medical vlogger na si Doc Alvin Francisco tungkol sa sakit na breast at lung cancer.
Ilang araw na kasing usap-usapan ang pagpanaw ng Aegis vocalist na si Mercy Sunot noong November 18, 2024 sa edad na 48. Base sa mga ulat, na-diagnose si Mercy ng sakit na breast at lung cancer.
Sa isang official statement ng Aegis na inilabas sa Facebook, “She bravely fought her battle with cancer but has now found peace and rest.
“Mercy's voice wasn't just a part of AEGIS--it was a voice that brought comfort, joy, and strength to so many. She has touched countless lives, inspiring fans and lifting spirits with every song she sang. Her passion, warmth, and unforgettable presence on stage will forever be cherished in our hearts.
Ayon sa paliwanag ni Doc Alvin, posibleng mangyari na sabay na tamaan ang isang tao ng breast at lung cancer pero diniin niya na “very rare” ang ganitong pangyayari.
“So clearly dalawa po 'yung uri ng cancer na nilalabanan ni Ma'am Mercy nung nasa ibang bansa siya, breast cancer at saka lung cancer. 'Di ko lang sigurado kung 'yung breast ba 'yung nauna or 'yung lung cancer 'yung nauna. Or sabay.
"Puwede po kasing sabay 'yan, pero kadalasan sa mga pasyente ko before, kapag breast cancer patient, napakabilis po niyan kumalat lalo na papuntang baga.
“Ang dami ko pong mga cases before na Breast CA, stage four, ang kalat niya sa atay o kaya sa baga.”
Dagdag niya, “Very rare po na magsabay itong lung and breast cancer lalo na sa mga kababaihan. Mas common talaga 'yung breast, pero puwede pa rin po 'yan magsabay.”
Nag-react din si Dr. Francisco sa ginawang lung operation kay Mercy.
Kuwento niya na base sa personal experience niya, mas madalas dumadaan muna sa chemotherapy ang isang pasyente para mapaliit ang bukol bago operahan ito.
Ayon sa mayoclinic.org, chemotherapy is a drug treatment that uses powerful chemicals to kill fast-growing cells in your body. It is most often used to treat cancer, since cancer cells grow and multiply much more quickly than most cells in the body.
Pagpapatuloy ni Doc Alvin, “Ang plano sa kanya ng mga doctor sa ibang bansa ay operahan sa baga hoping na matanggal 'yung bukol na nandun, kung primary bukol man 'yun or makakalat sa breast cancer. Ako personally 'yung mga nakita ko before na may lung metastasis, ang unang ginagawa talaga diyan ay kini-chemotherapy. Pinapaliit muna 'yung bukol bago operahan
“Pero still, depende pa rin po 'yan sa stage nung inyong cancer and depende po 'yan sa desisyon ng surgeon n'yo saka ng oncologist n'yo.”
Paano ba maiiwasan ang sakit na breast cancer? Alamin sa video below.
RELATED CONTENT: Celebrities na tinamaan ng cancer