GMA Logo doc willie ong
What's Hot

Doc Willie Ong, sa kanyang senatorial bid: 'Kung bubuhayin ako ng Diyos, babalik tayo...'

By Kristian Eric Javier
Published October 2, 2024 6:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Carla Abellana, ikinasal na sa kaniyang non-showbiz partner
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

doc willie ong


Kinumpirma na ni Doc Willie Ong ang pagtakbo niya bilang isang senador sa 2025 elections.

Kinumpirma ng Doktor ng Bayan na si Doc Willie Ong ang kaniyang pagtakbo bilang isang senador sa 2025 Senatorial Elections kahit na may pinagdadaanan siya ngayon na health issues.

Sa panayam niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho noong Linggo, September 29, sinabi ni Doc Willie na hindi na niya iniisip ngayon na tumakbo pa sa mataas na posisyon sa gobyerno. Ngunit sa hiwalay na vlog, nilinaw niya na gusto niyang bumalik sa bansa at pagandahin ang healthcare ng Pilipinas.

“Ang kailangan, ayusin natin 'yung Pilipinas kasi ang daming namamatay, ang daming naghihirap. 'Yan na lang ang job ko, last job ko: Fix the Philippines, fix the country,” sabi ni Doc. Willie.

Pagpapatuloy niya, “Kung bubuhayin ako ng Diyos, babalik tayo, aayusin ko talaga 'yung health care. Sasagasaan lahat ng sasagasaan para makuha 'yan.”

Unang ipinaalam ni Doc Willie ang kaniyang intensyon na tumakbo sa pagkasenador sa isang pahayag. Ngunit pag-amin niya ay pinipigilan siya ng kaniyang sariling doktor.

“Gusto ko tumakbo pero paano ka tatakbo? Ang sabi ng doktor ko, 'Cannot. Hindi ka na makakahabol, you have no more time,” kuwento ni Doc. Willie.

TINGNAN ANG ONLINE PERSONALITIES NA NAGPASA NA NG KANILANG CERTIFICATE OF CANDIDACY PARA SA NALALAPIT NA ELEKSYON SA GALLERY NA ITO:

Hindi ito ang unang pagkakataon na kumandidato si Doc Willie sa pulitika dahil noong 2019 ay tumakbo rin siya sa pagkasenador. Noong 2022, para naman sa posisyon na bise presidente katambal ni dating Manila Mayor Isko Moreno, na tumakbo bilang presidente.

Ayon sa doktor at content creator, maaaring ang stress niya ang dahilan kung bakit siya nagkasakit. Kaya naman hindi na niya naiwasan na maglabas ng saloobin tungkol sa mga pambabatikos na natanggap sa pagtakbo niya noong 2022.

“Wala akong niloko. Wala akong inaway. Anong ginawa niyo? Binash ninyo ako nang binash. Sumama sobra ang loob ko,” sabi ni Doc. Willie.

Matatandaan na kinumpirma ni Doc Willie sa vlog niya noong September 14 na siya ay diagnosed ng sarcoma o cancer na nagsisimula sa buto at soft tissues. Sa parehong vlog ay ibinahagi niya ang mga sintomas, naranasan, at determinasyon para labanan ang cancer.

Ayon sa doktor ng bayan, ang nakitang sarcoma tumor ang kaniyang mga doktor sa kaniyang abdomen na may laking 16x13x12cm. Sinabi rin niyang hindi niya ito nakita o napansin dahil nakatago ito sa likod ng kaniyang puso at sa harap ng kaniyang T10 spine.