
Matapos patunayan ng Filipino international star na si Dolly De Leon ang acting skills niya nang manomina siya sa dalawang award-giving bodies bilang best supporting actress, makakasama naman siya ngayon sa second season ng mystery-thriller series na Nine Perfect Strangers.
Dito ay makakasama ni Dolly ang ilang Hollywood stars katulad nila Nicole Kidman, Luke Evans, at ang kapwa niya Pilipino na si Manny Jacinto.
Ang Nine Perfect Strangers ay tungkol sa siyam na estranghero na pupunta sa isang health and wellness resort para sa isang 10-day retreat. Subalit sa pagpunta nila sa resort, madidiskubre nila ang ilang mga sikreto tungkol sa kanilang mga kasamahan at sa mismong host ng retreat.
Hindi pa nababanggit kung ano ang role na gagampanan ni Dolly sa nasabing series.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA HOLLYWOOD CELEBRITIES NA MAY DUGONG PINOY RITO: