GMA Logo dominic ochoa abot kamay na pangarap
Courtesy: T.G.I.S GMA-7 and domochoa (IG)
What's Hot

Dominic Ochoa, muling mapapanood sa GMA-7 matapos ang mahigit dalawang dekada

By EJ Chua
Published June 23, 2022 12:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

dominic ochoa abot kamay na pangarap


Kabilang si Dominic Ochoa sa cast ng GMA upcoming drama series na 'Abot Kamay Na Pangarap.'

Makalipas ang mahigit dalawang dekada, muling nagbabalik si Dominic Ochoa sa Kapuso Network.

Sa katatapos lamang na story conference ng upcoming GMA drama series na Abot Kamay Na Pangarap, ipinakilala si Dominic bilang isa sa cast ng naturang programa.

Sa kalagitnaan ng online conference, bumati ang aktor sa kapwa niya mga artista na na makakasama niya para sa kaniyang kauna-unahang regular show sa GMA-7.

Makakasama niya rito ang ilang Kapuso stars na sina Jillian Ward, Richard Yap, Andre Paras, at marami pang iba.

Makakatrabaho rin ng 48-year-old actor ang aktres na si Carmina Villaroel, na nakasama niya noon sa pelikulang Four Sister Before the Wedding na ipinalabas sa big screen noong 2020.

Matatandaang unang napanood si Dominic sa hit '90s youth-oriented program na T.G.I.S. (Thank God It's Sabado), kung saan ipinamalas niya ang kaniyang talento sa pag-arte sa pamamagitan ng kaniyang guest role sa isang episode.

Abangan ang magiging role ni Dominic Ochoa sa Abot Kamay Na Pangarap na ipapalabas sa GMA-7 ngayong taon.

Samantala, kilalanin ang ilang cast members ng T.G.I.S. sa gallery na ito.