
Sa Figure it Out podcast nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos inamin ni Dominic Roque na nag-umpisa siyang magparamdam kay Bea Alonzo nang yayain niya itong magbakasyon sa Zambales noong 2019.
Pero ang plano pala ni Bea, ay sumama sa Japan trip nina Gabbi at Khalil. Niyaya raw ni Bea si Dominic na sumama sa kanila at agad naman itong pumayag at nagsabi kay Khalil na sasama na rin siya sa bakasyon nila sa Japan.
Kuwento ni Dominic, "Sabi niya [Bea] 'Sayang pupunta kami ng Japan...' sabi ko, 'Sama ako.'"
Mula sa pagiging salingkit sa bakasyon nina Bea, Gabbi, at Khalil ay nagbabakasyon na magkasama sina Bea at Dominic.
Nitong nakaraang Hulyo, nagbakasyon magkasama sina Bea at Dominic sa Amerika.
Masayang masaya diumano si Dominic dahil malaya na nilang naipapakita ang kanilang relasyon ngayon.
"Ito 'yung time na nakapag-out kami, hindi mo na iisipin 'yung mga galaw mo, you can be yourself. 'Yun yung masarap sa feeling. Siguro kasi, it was the right moment. God's perfect time."
Tingnan ang mga litrato nina Bea Alonzo at Dominic Roque: