
Nagbigay na ng komento si Dominic Roque sa sinabi ng kaniyang former fiance na si Bea Alonzo tungkol sa kanilang hiwalayan.
Sa panayam kasi ni Bea sa GMA Integrated News Interviews, lininaw ng aktres na hindi siya ang unang nakipag-break sa aktor.
"Hindi ako ang nakipag-break," simpleng sinabi ni Bea at tumangging magbigay pa ng ibang detalye.
Nais din daw ng Kapuso aktres na tigilan na ang mga komento at tanong tungkol sa kanilang dating relasyon.
"Let's leave it in the past. It's amicable. OK naman kami. I think it will be disrespectful to the relationship and to the other person to talk about it," pahayag niya.
Dagdag din ni Bea, "It's a very sensitive topic. And gusto kong bigyang ng respeto at gusto kong iwan sa magandang paraan what we had."
Sa isang coverage ng Balitanghali, hindi kinumpirma o itinanggi ni Dominic ang sinabi ng Widows' War actress.
Aniya, "Wala naman akong i-a-add."
Ibinahagi rin ng aktor na nasa proseso rin siya ng pag-moving on sa pamamagitan ng trabaho at pamilya.
"Moving on with everything. Work, family, and keeping myself busy sa mga bagay-bagay," pahayag niya.
Sa kaniyang dating panayam kasama ang Saksi, klinaro rin ni Dominic na "everything's ok" para sa kaniya.
“I'm okay, I'm happy, I'm happy, actually. Everything's ok,” sinabi ni Dominic.
Abala noon bumiyahe kung saan-saan ang aktor para gumawa ng content sa kaniyang social media accounts.
Ang kanilang hiwalayan ay unang kinumpirma ni Boy Abunda noong Pebrero sa kaniyang talk show na Fast Talk with Boy Abunda. Ayon pa sa King of Talk , isinauli na raw noon ni Bea ang kaniyang engagement ring.
Kalaunan, kinumpirma rin mismo nina Bea at Dominic ang kanilang breakup sa pamamagitan ng isang joint statement sa Instagram.
Hiniling doon ng dating couple na bigyan sila ng privacy at na huwag na sana silang sabihan ng “cruel and very hurtful words” sa social media.
Balikan ang kung paano nagsimula at nagwakas ang love story nina Bea Alonzo at Dominic Roque: