Dominic Roque, moving on na mula sa paghihiwalay nila ni Bea Alonzo

“I'm okay, I'm happy, I'm happy, actually. Everything's ok.”
Iyan ang matipid na pahayag ni Dominic Roque nang tanungin ang estado niya ngayon matapos paghihiwalay nila ni Bea Alonzo.
Ayon sa report ng Saksi kagabi, May 20, sinabi ni Dominic na abala siya ngayon sa iba't ibang bagay, kabilang na ang pag-aasikaso ng kaniyang negosyo.
Abala rin siyang bumiyahe kung saan-saan para gumawa ng content sa kaniyang social media accounts.
Matatandaan na unang kinumpirma ni Boy Abunda sa kaniyang talk show na Fast Talk with Boy Abunda na hiwalay na sina Dominic at Bea noong February 2024. Ayon pa sa batikang talk show host, isinauli na umano noon ni Bea ang kaniyang engagement ring.
Kuwento pa ni Boy, nag-usap pa umano sina Dominic at Bea para subukang maintindihan ang isa't isa, at sinabing “they're going through a rough patch.”
Kalaunan, kinumpirma rin mismo ng dalawa ang kanilang break-up sa pamamagitan ng isang joint statement sa Instagram.
Nakasaad dito na hindi naging madali ang desisyon para sa kanila, at sinabing ginusto pa sana nila ng mas marami pang oras para pag-usapan at ipagdasal ito, ngunit marami na sila umanong natatanggap na batikos.
“Unfortunately, some even confirmed our break-up without our consent, and some created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families,” saad nila sa statement.
Hiniling rin nila na bigyan sila ng privacy at na huwag na sana silang sabihan ng “cruel and very hurtful words” sa social media.
Na-engage sina Dominic at Bea noong July, 2023, at nakaplano sanang magpakasal ngayong taon.
Samantala, tingnan dito ang buhay ni Dominic sa labas ng showbiz:









