GMA Logo Donita Nose and Super Tekla
What's Hot

Donita Nose, binisita si Super Tekla sa unang pagkakataon matapos ireklamo ng live-in partner

By Cherry Sun
Published October 26, 2020 3:06 PM PHT
Updated October 27, 2020 3:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Donita Nose and Super Tekla


Naloka si Donita Nose sa dinatnan niya sa condo ni Super Tekla. Kumustahin ang komedyante sa pamamagitan ng kanilang vlog dito.

Sa unang pagkakataon ay binisita ni Donita Nose ang kanyang katrabaho at kaibigan na si Super Tekla matapos ireklamo ang huli ng kanyang live-in partner na si Michelle Bana-ag.

Nitong nakaraang linggo, ilang akusasyon ang ibinato kay Super Tekla ng kanyang kinakasama at ina ng kanyang anak na si baby Angelo. Pinabulaanan ng komedyante ang mga paratang sa kanya ngunit hindi maitatangging naapektuhan ito sa nangyari.

At nang dalawin siya ni Donita Nose, naabutan nito ang nakakagulat at magulong sitwasyong sa kanyang tinitirahang condo.

Ani Donita Nose, “Ito po 'yung unang araw na magkikita po kami after po ng mga nangyari sa kanya, mga nangyari sa issue. So nag-usap po kami through video call, messenger ni Tekla at sobrang… ipinakita niya sa akin kung ano 'yung mga iniwan nung mga taong nakatira sa kanya dito, kasama niya before.”

Kuwento rin nila, ilang araw matapos pumutok ang isyu at lisanin ng kanyang mag-ina ang kanyang tahanan ay talagang nawasak daw si Tekla. Gayunpaman, sinusubukan nitong bumangon ngayon.

Wika ng TBATS host, “Okay… Medyo eto, hindi ko alam kung paano ko uumpisahan 'yung buhay ulit sa nangyari. Still, kailangan nating… life must go on. The show must go on. Lahat, hindi naman basta ano para bumigay ka at mas maraming bagay na pwedeng gawin na mas makabuluhan.”

Sa pamamagitan ng kanilang vlog ay ipinasilip nila ang eksena sa bahay ni Tekla.

Sa bungad pa lang ay pansin na mga umaapaw na mga basura. Maraming kalat sa bawat sulok ng kwarto. May mga pagkaing panis at mga pinagkainang hindi hinugasan. Magkahalo ang mga malilinis at maduduming kasuotan sa sahig. Pinamumugaran na ng ipis ang condo unit, sira ang ilang bahagi ng cabinet, at hindi na kaaya-aaya ang amoy sa loob.

Ani Donita Nose, sana'y tinulungan ng kanyang mga kasama sa bahay si Tekla upang panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa kanilang tinitirahan lalo't habang nasa trabaho ang komedyante.

Gayunpaman, minarapat na rin ng DonEkla tandem na kumilos at linisin ang kanilang paligid.

Silipin ang kalagayan ni Tekla rito:

Nang lumabas ang mga akusasyon laban kay Tekla, isa si Donita Nose sa mga nagpahayag ng suporta para sa kanya.