
Magkahalong tuwa at kilig ang naramdaman ni Donita Nose nang makatanggap siya ng mensahe mula sa nag-iisang Mega Star na si Sharon Cuneta.
Ibinahagi ni Donita ang direct message na ipinadala sa kanya ni Sharon.
Ayon sa huli, “Hi Ms. Donita! I hope mabasa mo ito. I just want you to know that I am touched by the kind of friend you have been to Tekla… he is so blessed to have you in his life. Sana madami pang katulad mo, lalo sa showbiz. Mas gaganda ang mundo.”
Ang tinutukoy ng Mega Star ay kung paano sinuportahan ni Donita si Tekla sa kabila ng batikos na naransan ng huli dahil sa mga akusasyon ng dating live-in partner nito na si Michelle Bana-ag.
Maliban sa dinepensahan ni Donita ang TBATS host, personal din niya itong binisita sa condo upang tulungang mag-ayos at makabangong muli.
Ibinahagi rin ni Sharon na pinanonood niya ang vlogs ng Kapuso comedian.
Patuloy niya, “I wish you more success and happiness and I enjoy your vlogs so much! Thank you for making me laugh. Lots of love.”
Hindi naman napigil ni Donita na matuwa sa natanggap niyang mensahe.
Aniya, “Good morning mga BESHIES!!!!!!!! JUSKO! Shout out naman sa nag iisang Mega Star.. Ms. Sharon Cuneta nakaka touch na message grabe dko ma explain ang feelings ko ng nabasa ko to.. Grabe 1st time sa buhay ko may isang kapitapitagang Mega Star ang nag dm sakin.. woooohh salamat po ng marami madam.. from Donekla in Tandem salamat po ng marami! We love you so much!”