GMA Logo Donita Nose on Your Honor
Source: Your Honor
What's on TV

Donita Nose, hindi malilimutan ang buhay iskwater noon

By Aedrianne Acar
Published July 12, 2026 1:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Senate uploads impeachment records for public access
This special visa makes it easier for global retirees to call Philippines home
Man hurt after bridge snaps amid flooding in North Cotabato

Article Inside Page


Showbiz News

Donita Nose on Your Honor


Donita Nose, ibinida ang sakripisyo at pagtitiyaga ng kanyang ina para mabuhay lang ang kanilang pamilya.

Nakilala nang husto ang stand-up comedian na si Donita Nose kasama ang ka-tandem niya na si Super Tekla sa game show noon na Wowowin.

Ngayon, isa siya sa in-demand comedic talents at pinipilahan ang mga show niya sa comedy bar. Pero bago guminhawa ang buhay niya, natuto si Donita na mamaluktot sa maliit na kumot dahil laki siya sa squatters area.

Sa session ng Your Honor nitong Sabado (July 11), ikinuwento niya sa mga host na sina Chariz Solomon at Buboy Villar ang hirap ng buhay nila noon lalo na at 10 taon may sakit ang kaniyang ama na tinamaan ng stroke.

Saad niya sa mga tinatamasa niyang grasya ngayon, “Salamat ako sa blessings na natatanggap ko. Thank you Lord, kung ano man ako ngayon.”

“Kasi, noon, talaga dati aaminin ko walang-wala kami. Nakatira lang kami sa iskwater - ang bahay namin graba, ang dingding namin yero. Isang higaan lang [kami] magkakapatid sama-sama. Wala kaming kubeta!”

Nakita rin niya kung paano kumayod ang kaniyang ina bilang labandera para itaguyod ang kanilang pamilya.

“Sobrang hirap namin dati talaga, kasi father ko is talagang may sakit noon. Ilang years, 10 years na-stroke siya. Tapos, walang trabaho, mama ko lang nagtatrabaho labandera. Masaya naman 'yung pamilya namin kahit papaano, dun ko naranasan kumain araw-araw kanin lang at asin.” Pagbabalik-tanaw niya sa House of Honorables.

Dagdag niya, “That's reality 'di ba, masaya naman kami noon. Okay pa rin kami 'di ba. Parang ngayon, may bahay ako, may sasakyan ako, may pera ako kahit papaano. Ganito hitsura ko 'di ba, pero hindi ko maitatanggi noong dati ganun ang sitwasyon namin kuntento naman kami. Pero nangarap lang talaga tayo na magbago ang buhay natin.”

Source: Your Honor

Naniniwala rin si Donita Nose na may mga taong pinipili ang simple at payak na buhay, kaysa sa mga mayayaman na balot pa ring problema ang buhay.

Sabi niya sa Your Honor, “Pero 'pag masaya ka, kahit wala kang pera, 'di ba mas marami Pilipino na mahihirap na masaya sa buhay. Kesa, sa sobrang yaman na-problemado pa rin. Nangangailangan tayo ng pera, pangkain. Pero, mas okay pa rin 'yung iba na tingnan mo 'yung iba ayaw ko mag-abroad, okay lang ganito kita ko, basta magkakasama tayo, masaya tayo.”

RELATED CONTENT: Podcast duos dominating online conversation right now