
Sa dalawang Facebook live ay ibinahagi ni Donita Nose ang kanyang kalagayan habang siya ay nagpapagaling sa ospital.
Kuwento ni Donita, mayroon siyang sintomas ng COVID-19.
"One week na nilalagnat... sumakit 'yung ulo, then nagtae so para siyang ano, so parang it's COVID, parang ganon na rin."
"Nagpa-swab test na ako. I'm here sa hospital right now. Kinuhanan ako ng mga test; sa dugo, sa lahat. Ang pinaka result na lumabas is may pneumonia na ako."
Wala pa man ang resulta ng kanyang swab test ay pakiramdam umano ni Donita na siya ay tinamaan ng COVID-19.
"Ang result ng swab test ko is mga three days pa... Feeling ko naman talaga it's COVID."
Agad ring nagpasalamat si Donita Nose sa kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay sa kanyang Facebook live kahit siya may karamdaman.
Saad ni Donita, "Sobrang daming nagmamahal sa akin. Ang daming nagpapadala ng tulong ng kusa. Maraming maraming salamat sa mga kaibigan ko."
Binalaan ni Donita ang kanyang mga followers na mag-ingat at hindi biro umano ang kanyang nararanasan ngayon.
"Laban ko 'to, sige kaya ko 'to kahit mag-isa lang ako."
"Kaya kayo, guys, mag-ingat kayo, guys. Huwag ninyong gawing biro 'yung paglabas labas."
"Kahit sa mall, kahit malalayo sila, huwag talaga. Kasi ako alam ko 'yung mga precautions na dapat gawin, malayo ako sa mga tao... pero ito tinamaan."
Ibinahagi ni Donita ang kanyang kalagayan sa ospital, kuwento niya ay nasa emergency room pa rin siya at naghihintay ng kanyang kuwarto.
"Guys pang-20 pa ako na nag-aantay ng room. Right now nasa emergency ako."
Kuwento pa ni Donita hindi biro ang kanyang pinagdadaanan.
"Iba iba eh, hindi mo talaga masasabi kung sino meron."
"Mag-iingat kayo, hindi biro 'yung COVID-19."
Inamin rin niya na nag-desisyon siyang mag-live para makapagbigay impormasyon sa nakararami.
"Sa totoo lang noong una ayoko mag-live. Ayoko ipaalam sa tao na meron ako pero sabi ko mas maganda na malaman nila."
Dugtong pa niya, "Walang pinipiling tao ang COVID. Ako nga e ganito ngayon, hindi natin maibabalik. Kailangan lang lumaban tayo, magpalakas."
Isa pa sa kanyang ipinagbigay alam ay ang hirap na mag-isa lamang sa paglaban sa sakit.
"Mahirap kasi mag-isa ka lang e. Laban mo 'to dito talaga. Imbes na lumakas ang loob mo kung may kasama ka."
Bukod dito ikinuwento niya ang findings ng doktor sa kanyang kalagayan.
"Sa findings ng doctor meron akong pneumonia, so kailangan nilang i-treat pneumonia ko. Nag-a-antibiotic na ako. Much better na nandito sa hospital kasi mati-treat ka nila ng tama."
Dagdag pa ni Donita, "'Pag tinatanggal ko 'yung mask ko, nakakahinga naman ako ng maayos. Medyo may konting bigat lang talaga 'yung dibdib. Pero hindi sobrang hirap na hirap."
Isa pa umanong payo ni Donita ay iwasan muna ang pagda-diet dahil kailangan umano ng katawan ng tamang nutrisyon ngayon.
"Sa mga nagda-diet ngayon, huwag kayo mag-diet. Huwag na muna talaga kayo mag-diet. Palakasin ninyo ang mga sarili ninyo. Kumain kayo ng kumain. Kasi ako medyo nag-diet ako noong nakaraan eh."
Sa huli ay sinabi ni Donita na kailangan niya na tapusin ang live video para magpahinga. Muli itong nagpasalamat sa mga tulong at dasal ng kanyang mga mahal sa buhay.
"Maraming salamat sa mga nagmamahal sa akin. Sa mga concerned, thank you so much talaga, sa mga prayers ninyo. I love you all guys."
"Kakayanin ko 'to kahit mag-isa lang ako."
What you need to know about the COVID-19 test kits developed in UP
How COVID-19 affects the skin