What's Hot

Donita Nose, positibo sa COVID-19

By Dianara Alegre
Published July 28, 2020 11:24 AM PHT
Updated August 13, 2020 3:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Donita Nose


Ibinahagi ng comedian-host na si Donita Nose ang kanyang karanasan habang nagpapagaling sa COVID-19.

Tinamaan ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) ang komedyante at TV host na si Donita Nose. Inanunsiyo niya ito nitong Lunes, July 27.

Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Donita ang kanyang kalagayan habang nagpapagaling sa ospital.

“Mag-isa akong lumalaban dito ngayon. Wala akong kasama. Magsi-CR ako, ako lang. Ngayon ko lang naranasan na iihi lang pero o habang umiihi ako hinahabol ko 'yung hininga ko. Ganu'n siya kalala,” aniya.

Donita Nose

Source: donitanose (IG)

Sa kasalukuyan ay sa emergency room umano nananatili ang komedyante dahil kulang na ang kwarto para sa mga COVID-19 patients sa ospital.

“Bawat isa sa amin dito naka-isolate kami ng plastic. Instead na kurtina, plastic siya mula dito sa roof pababa hanggang floor talaga. So, as in talagang sealed siya kumbaga. Walang makalabas na hangin,” aniya pa.

Dagdag pa ng Wowowin host, hindi siya nabigla nang malamang positibo siya sa sakit dahil ilang araw na rin niyang nararamdaman ang sintomas ng COVID-19.

“Actually, nilagnat na ako ng one week. Tapos mga ilang araw, sumunod 'yung pagtatae ko. Pero while having a fever, mayroon na rin akong konting headache, tapos inuubo ako. Parang nakita ko lahat 'yung mga symptom ng COVID-19 is parang nandu'n siya.

“Nitong pang eight day, in the morning paggising ko, mayroon na akong kaunting hirap sa paghinga,” lahad niya.

Samantala, ilang linggo na umanong hindi lumalabas si Donita sa Wowowin bago niya naramdaman ang mga sintomas.

“Sabi ko nga kahit mag-isa lang ako ngayon dito, I know hindi ako nag-iisa sa mga dasal, sa lahat. Kasi alam ko maraming nagmamahal sa 'kin,” ani Donita Nose.

Binanggit din ng komedyante na pumayag siyang magpa-interview para ipaalam sa kanyang mga nakasalamuha na nagpositibo siya sa sakit.

Sa ngayon ay patuloy ang pagpapagaling ni Donita Nose at patuloy na nagiging matatag na malalagpasan din niya ang pagsubok na ito.

Nitong July 26 ay ibinahagi ni Donita na nagtungo siya sa ospital dahil sa pneumonia.

Samantala, nagpahayag ng suporta para kay Donita Nose ang batikang kolumnista na si Lolit Solis at sinabing nalulungkot siya sa pinagdadaanan ng komedyante.

Dagdag pa ni Lolit, dama niya ang hirap ni Donita na mag-isang nagpapagaling sa ospital.

“Hanga na ako kay Donita Nose ha, na talagang nagtitiis siya sa ER ng hospital, mag isa, dahil nga positive pero wala bakante kuwarto.

"Ganun na ka grabe ang sitwasyon. Iyon maysakit ka lang ang hirap na, tapos heto ka at very uncomfortable ka, parang double injury na di bah?"

Dalangin din ng kolumnista ang agarang paggaling ni Donita Nose at ang tuluyang pagpuksa sa COVID-19 hindi lang sa bansa, pati sa buong mundo.

Alam mo ba Salve na isa sa pinaka sad siguro iyon may sakit ka tapos nasa ER ka lang ng hospital at naghihintay ng kuwarto dahil puno, at mag isa ka lang dahil bawal ang kasama dahil positive covid 19 ka? Hanga na ako kay Donita Nose ha, na talagang nagtitiis siya sa ER ng hospital, mag isa, dahil nga positive pero wala bakante kuwarto. Ganun na ka grabe ang sitwasyon. Iyon maysakit ka lang ang hirap na, tapos heto ka at very uncomfortable ka, parang double injury na di bah? Sana naman maayos na ang kalagayan niya, magkaruon na ng kuwarto , at gumaling si Donita Nose. Napakasipag sa trabaho at very professional, sana malagpasan niya ang pangyayaring ito sa buhay niya. My God, talagang alarming na ang covid 19, left and right na ang casualty , dapat na talagang mahinto ito, please God, HELP us . #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako

Isang post na ibinahagi ni LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) noong

Updated on August 13, 2020

Nang muling makapanayam ng 24 Oras noong August 5, ibinahagi ni Donita na unti-unti na siyang lumalakas at malapit na siyang maka-recover sa COVID-19.

Ipinangako rin niya na tutulong siya sa mga medical frontliner sa oras na gumaling siya sa sakit at makalabas ng ospital. Aniya, plano niyang magdaos ng online concert kung saan ang benepisyo ay mapupunta para sa tinagurian niyang modern heroes.

“'Pag gumaling na ako totally, gusto ko magkaroon ng parang live show ko sa Facebook man o kung saan para [gawing] tribute sa mga frontliner.

“Tapos kung may magbibigay ng konting donation, ibibigay ko rin sa kanila kung paano in a way na makakatulong ako,” ani Donita Nose.

Nitong August 13, malugod na inanunsiyo ng komedyante na tuluyan na siyang naka-recover mula sa COVID-19 at nakalabas na ng ospital.

Labis naman ang pasasalamat niya sa mga nurse at doktor na nag-alaga sa kanya habang nagpapagaling.

“Thank God for everything! I love you. And thank you to all the frontliners… alam ko ang hirap at sakripisyo ninyo. Ingatan niyo po ang mga sarili ninyo. Saludo ako sa inyong lahat. Salamat sa pag-aalaga sa aming lahat,” lahad pa niya.

Thank God for everything! I love you🙏❤. And Thank you to all the FRONTLINERS.. alam ko ang hirap at sakripisyo nyo.. Ingatan nyo po mga sarili nyo. Saludo ako sa inyong lahat!. Salamat sa pag aalaga sa aming lahat. I love you all. God bless us all. ❤❤❤🙏

Isang post na ibinahagi ni Donita Nose (@donitanose) noong