What's Hot

Donita Nose, tutulong sa frontliners kapag naka-recover sa COVID-19

By Dianara Alegre
Published August 6, 2020 1:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Donita Nose


Maglulunsad umano si Donita Nose ng online show para sa mga medical frontliner na itinuturing niyang modern day heroes sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Nanumbalik na ang lakas ng comedian at TV host na si Donita Nose matapos magpositibo sa COVID-19 at patuloy ang kanyang pagpapagaling sa ospital.

Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, masayang ibinahagi ni Donita na unti-unti na siyang gumagaling sa sakit.

“Parang 90% na ako recharged. Tapos nag-e-exercise na ako kasi kailangan ko ma-exercise 'yung sa lungs ko na parang hihinga raw tapos dahan-dahan daw ako bubuga ng hangin,” aniya.

Aniya pa, nananatili umano siyang positibo sa buhay kahit pa may iniindang sakit.

“I pray a lot. Inisip ko 'yung mga bagay-bagay na magaganda sa buhay ko na sabi ko mangyayari ulit sa buhay ko,” lahad niya.

Donita Nose

Donita Nose / Source: donitanose (IG)

Dagdag pa ng komedyante, kakaibang dedikasyon daw umano ang nakita niya sa mga frontliner na nag-aalaga sa kanya sa ospital.

Plano rin niya umanong tulungan ang mga itinuturing niyang modern day heroes sa oras na gumaling siya at makalabas na ng ospital.

“'Pag gumaling na ako totally, gusto ko magkaroon ng parang live show ko sa Facebook man o kung saan para [gawing] tribute sa mga frontliner.

“Tapos kung may magbibigay ng konting donation, ibibigay ko rin sa kanila kung paano in a way na makakatulong ako,” saad pa niya.

Kung hindi na makararamdam ng kahit anong sintomas ng sakit ay maaari na umanong makalabas ng ospital si Donita Nose.

Gayundin, nangako umano siya na magdo-donate ng kanyang blood plasma para makatulong sa research patungkol sa COVID-19.

“Willing ako. Kunin na lahat makatulong lang sa kanila. Hindi lang tulong na dugo lang 'yung binigay ko kundi saya ng katawan ko, 'yung energy, gusto ko makuha nila lahat,” sabi pa ni Donita Nose.

Donita Nose, nanawagang 'wag pandirihan ang mga nagkasakit ng COVID-19