What's Hot

Don't try to be funny - Andrea Torres on being an effective comedian

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 12, 2020 11:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DepEd probes mauling inside classroom in Bacolod school
DepEd probes mauling inside classroom in Bacolod school
Spend Your Weekends with Filipino Blockbusters on GMA Pinoy TV via OSN

Article Inside Page


Showbiz News



For Kapuso actress Andrea Torres, mas importante na maging natural pagdating sa pagpapatawa. 
By AEDRIANNE ACAR 

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Halos dalawang dekada na pinapatawa ng Bubble Gang ang milyun-milyong Pilipino tuwing Biyernes ng gabi. 
 
Pumatok sa mga manonood ang mga pakulo nila at mga karakter na binigyan buhay ng Kababol natin na si Michael V. 
 
Kaya tinanong namin ang Kapuso actress na si Andrea Torres kung ano ang lihim o sikreto ng gag show kung bakit tumagal ito sa telebisyon.
 
Kuwento niya, “Ang Bubble Gang kasi updated eh talagang makaka-relate ka doon sa mga joke nila. Nag-e-evolve 'yung joke nila. 'Tsaka 'yung samahan sa likod ng camera talagang barkada kayong lahat so nakikita rin siya sa mga eksena.”
 
Bilang isa na rin sa mga mainstay ng Bubble Gang, hindi din magpapahuli Ang Lihim ni Annasandra star sa pagpapatawa. Sa bawat episode ng show, makikita na lumulutang ang angking galing ni Andrea sa comedy. 
 
Ayon sa dalaga, sinusubukan daw niya na maging natural tuwing taping ng Bubble Gang para hindi magmukhang pilit ang mga eksena na gagawin niya. 
 
“Relax lang siyempre, 'tsaka don’t try to be funny. Dito kasi sa Bubble Gang, parang 'yung situation 'yung nakakatawa. Hindi sila 'yung super nag-e-effort talaga para patawanin ka. So parang mas natural siya tingnan. 'Tsaka, siguro kailangan lang maging updated ka sa mga nangyayari around you para mabilis ka din magbigay ng joke, mabilis kang bumanat.”