GMA Logo Douluo Continent Week 6
What's Hot

Douluo Continent: Ang itim na kapangyarihan ng gagamba | Week 6

By Jimboy Napoles
Published March 28, 2022 11:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Douluo Continent Week 6


Ipapahamak ni Tang San ang kanyang sarili sa pagtulong kay Xiao Wu.

Sa ikaanim na linggo ng Douluo Continent, isang itim na kapangyarihan ng gagamba ang pumaloob kay Tang San (Xiao Zhan).

Dahil sa kagustuhan niya na mailigtas si Xiao Wu (Wu Xuan Yi) mula sa pagkalason ay sumailalim siya sa kapangyarihan ng itim na gagamba. Ngunit hindi niya nagawang kontrolin ang kanyang sarili gamit ang kapangyarihan na ito.

Upang mabawasan ang kapangyarihan na umuubos sa lakas ni Tang San, kinailangan ni Xiao Wu na ilipat sa kanya ang ilang porsyento ng espiritu. Ngunit dahil kontrolado ng itim na gagamba ang pag-iisip ni Tang San ay nasaksak niya sa dibdib si Xiao Wu.

Nagawa man na isalin ni Xiao Wu ang ilang kapangyarihan sa kanya, tuluyan namang kumapit kay Tang San ang diwa ng gagamba. Nang magising ito sa kanyang katauhan ay nakita niyang wala ng malay si Xiao Wu.

Dahil sa pagkakaroon ng itim na kapangyarihan na maaaring magdulot ng kapahamakan sa nakararami, nais ng isang maestrong diwa na patayin si Tang San. Matuloy kaya ito?

Subaybayan ang Douluo Continent, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 ng umaga sa GMA.