GMA Logo Douluo Continent Week 5
What's Hot

Douluo Continent: Ang paghahanap ng lunas sa pagkalason ni Xiao Wu | Week 5

By Jimboy Napoles
Published March 21, 2022 12:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte on alleged visit to Teves: I neither confirm nor deny
Power supply disrupted after man walks on power lines in Davao City
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Douluo Continent Week 5


Gagawin ni Tang San ang lahat, maalis lang ang lason sa katawan ni Xiao Wu.

Sa ikalimang linggo ng Douluo Continent, isang lason ang nakuha ni Xiao Wu (Wu Xuan Yi) mula sa pakikipaglaban.

Dahil dito, gumawa ng plano si Tang San (Xiao Zhan) at Xiao Gang (Calvin Chen) upang makakuha ng lunas sa paggaling ni Xiao Wu.

Ngunit sa kanilang paglabas sa tinitirhan nila, isang grupo ng mga masasamang lupon ang humarang kay Tang San at Xiao Wu, pero isang misteryosong pantas ang tumulong sa kanila.

Gamit ang kanyang kakaibang kapangyarihan ay napaalis niya ang masasamang lupon. Pero sa kabila nito ay hindi agad nagtiwala si Tang San sa pantas.

Bago umalis ang pantas, isang bote na may lamang kulay berde na usok ang ibinigay nito kay Tang San.

Hindi tinukoy ng pantas kung ito ba ay isang gamot, o isa lamang ulit na lason na nakamamatay.

Subaybayan ang Douluo Continent, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 ng umaga sa GMA.