GMA Logo Douluo Continent Week 8
What's Hot

Douluo Continent: Ang nakalalasong berdeng usok ng pantas | Week 8

By Jimboy Napoles
Published April 11, 2022 1:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 15, 2025
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Douluo Continent Week 8


Muling ililigtas ni Xiao Wu sai Tang San mula sa isang nakamamatay na lason ng pantas.

Sa ikawalong linggo ng Douluo Continent, isang nakamamatay na lason mula sa misteryosong pantas ang umatake sa grupo nina Tang San (Xiao Zhan).

Dinakip ng isang maestrong diwa si Tang San dahil sa pagkakaroon niya ng makamandag na lason mula sa misteryosong pantas at isang babae ang nahawa nito.

Upang mailigtas sa kamatayan ang babae, kinakailangan na isalin ni Tang San pabalik sa kanyang katawan ang lason. Ngunit magagawa niya lamang ito kung makakayanan niya ang lakas ng lason.

Dahil sa kabutihang loob, ginawa ni Tang San ang lahat upang matulungan ang babae ngunit hindi niya kinaya ang lakas ng lason kung kaya't isinalin muli ni Xiao Wu (Wu Xuan Yi) ang kanyang kapangyarihan kay Tang San ngunit ang kapalit nito ay ang kanyang labis na panghihina.

Unti-unting lumakas si Tang San ngunit bigla namang naubusan ng kapangyarihan si Xiao Wu? Magawa kaya nilang makaligtas?

Subaybayan ang Douluo Continent, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 ng umaga sa GMA.