GMA Logo Douluo Continent Week 7
What's Hot

Douluo Continent: Ang pananalasa ng mabagsik na buhawi | Week 7

By Jimboy Napoles
Published April 4, 2022 11:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NLEX offers free toll on Christmas, New Year
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Douluo Continent Week 7


Sinuong ni Tang San ang mabagsik na buhawi upang mailigtas ang kanilang siyudad.

Sa ikapitong linggo ng Douluo Continent, isang mabagsik na buhawi ang nanalasa sa siyudad nina Tang San (Xiao Zhan).

Halos masira ang mga kabahayan sa siyudad ng mga maestrong diwa dahil sa pagdating ng nakapipinsalang buhawi.

Kung kaya ay agad na umaksyon ang grupo nina Tang San at Xiao Wu (Wu Xuan Yi) upang matigil ito. Ngunit dahil sa lakas ng buhawi ay hindi nila nagawang magsama-sama at hindi na rin makontrol ang ilan sa kanilang mga kapangyarihan.

Sa paglalakad nina Tang San at Xiao Wu, nakita nila ang isang nilalang na anak ng isang sand beast. Dito nila nadiskubre na ito ang dahilan ng pagkakaroon ng buhawi dahil nagagalit ang sand beast sa pagkawala ng kanyang anak.

Dahil dito, matapang na sinuong ni Tang San ang malakas na buhawi upang ibalik sa sand beast ang kanyang nawawalang anak. Pagkatapos nito ay bigla na lamang natigil ang pagbayo ng malakas na buhawi.

Ngunit sa kabila ng pagtatapos ng tensyon ay hindi pa rin sigurado ang lahat na ligtas na ang lahat sa kapahamakan na dulot ng sand beast.

Subaybayan ang Douluo Continent, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 ng umaga sa GMA.