
May bagong karakter sa award-winning medical drama na Abot-Kamay Na Pangarap.
Siya si Dr. Kim Young, ang role na ginagampanan ng Korean actor na si Kim Ji Soo sa serye.
Nitong Lunes, August 19, natunghayan na ang unang pagtatagpo nina Dr. Kim at Dra. Analyn, ang karakter ni Jillian Ward.
Una silang nagkita sa loob ng APEX Medical Hospital, kung saan nagtatrabaho ang pinakabatang doktor sa bansa.
Sa pagdating ni Dr. Kim, naabutan niya si Dra. Analyn na kinakausap ang mag-ina na nasa APEX.
Dito na sila unang nag-usap at nagkaasaran.
Bukod dito, kinakiligan ng viewers ang unang sweet moment ng dalawang doktor.
Matapos itulak ng bata si Dra. Analyn, natumba ang huli at nasalo siya ni Dr. Kim.
Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa unang pagkikita nina Dra. Analyn at Dr. Kim:
Bago ang appearance ni Kim Ji Soo sa Abot-Kamay Na Pangarap ay napanood siya sa GMA action series na Black Rider.
Samantala, patuloy na subaybayan ang Korean star sa Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa online via Kapuso livestream.
Maaari n'yo ring balikan ang iba pang episodes ng Abot Kamay Na Pangarap dito.