What's on TV

'Dragon Lady' actor Edgar Allan Guzman, thankful sa support sa kaniyang karakter bilang Goldwyn

By Bianca Geli
Published July 18, 2019 10:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA: Letran’s Ricardo laments 'ugliest quarter' of season in Game 1 loss vs San Beda
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News



Pero kanino nga ba mapupunta si Scarlet? May sagot diyan si Goldwyn.

Ngayong nasa finale week na ang GMA afternoon prime na Dragon Lady, palaisipan pa rin sa mga fans kung sino ba ang makakatuluyan ni Scarlet (Janine Gutierrez), si Michael (Tom Rodriguez) na matagal niya nang mahal pero iniwan siya o si Goldwyn (Edgar Allan Guzman) na tila walang kupas ang pagmamahal sa kaniya.

Edgar Allan Guzman
Edgar Allan Guzman

Ani ni Goldwyn, ayaw niyang i-spoil ang finale ng Dragon Lady pero marami pang dapat abangan.

“Kailangan niyo mapanood 'yan kasi finale week na kami.

“Dapat niyo lang abangan kung anong mangyayari kay Scarlet at kay Goldwyn."

Dagdag ni Edgar Allan, mami-miss niya ang Dragon Lady family na itinuturing niyang unang drama family niya sa GMA. “Parang family ko na talaga sila, sobrang mami-miss ko silang lahat.”

Masaya rin daw siya, kahit sino pa man ang makatuluyan ni Scarlet, dahil naging maganda ang reception ng viewers sa kaniyang role bilang Goldwyn na kinapitan ng mga fans. “Mas naawa lang sila sa akin, mas pinili lang nila ako over Michael pero lahat kami kinapitan naman. Mas naawa lang 'yung mga tao sa akin, at thankful naman ako siyempre.”

'Wag palampasin ang huling linggo ng Dragon Lady, pagkatapos ng Eat Bulaga!

Edgar Allan Guzman on why his character in 'Dragon Lady' deserves love