
Bongga ang pagpapakita ng suporta ng fans nina Dustin Yu at Bianca de Vera, isa sa final duos sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Hindi lang isa kundi apat na billboard features ang inihanda fans nina Dustin at Bianca, o mas kilala bilang DustBia.
Base Facebook post ng Regal Entertainment, ang apat na billboards ay matatagpuan sa EDSA Robinsons Galleria, EDSA Guadalupe, sa Davao City, at sa Times Square, New York. Ang mga naturang billboards ay inihanda ng mga grupong DUSTBIAWWOFC1, DUSTBIAOFFICIAL, dustbiaintlofc, at TITASOFDUSTBIA
Matatandaan na naghatid ng kilig ang pagpili ni Dustin kay Bianca bilang kanyang final duo partner.
Ayon kay Dustin, pinili niya si Bianca "kasi sobrang laking part niya dito sa journey ko sa PBB. Ang dami kong natutunan ko sa kanya and I can't wait na mas matuto pa sa kanya as a duo.”
Malugod naman itong tinanggap ni Bianca, at sinabi kay Dustin, "Well, we've been through a lot in this house, We've been through thick and thin, hell and back. Aso't pusa man tayo madalas, I wouldn't have it any other way. So, tapusin na natin 'to!"
Patuloy na subaybayan sina Dustin at Bianca sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, mula Lunes hanggang Biyernes, 10:05 p.m. at Sabado, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan sa loob ng Big Brother house araw-araw sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
Samantala, kilalanin ang Kapuso at Kapamilya housemates sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition: