GMA Logo PBB housemates Dustin Yu and Bianca De Vera
Sources: dustinyuu/IG, biancadeveraa/IG
What's Hot

Dustin Yu, Bianca De Vera, nagkaayos na sa loob ng Bahay ni Kuya

By Kristian Eric Javier
Published April 11, 2025 8:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile votes in presidential race expected to lurch country to the right
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

PBB housemates Dustin Yu and Bianca De Vera


Matapos magkatampuhan, nagkabati na sina Dustin Yu at Bianca De Vera.

Nagkaayos na ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab housemates na sina Dustin Yu at Bianca De Vera.

Matatandaan na nagkatampuhan sina Dustin ay Bianca dahil sa mga nasabi ng aktor patungkol sa kaniyang kapwa housemate. Ngunit sa latest update ng reality TV show, makikitang tila okay na ang dalawa.

Sa katunayan, habang nag-aalmusal ang housemates ay makikitang magkatabi at magkaharap sina Dustin at Bianca. Makikita rin na sinusubuan pa nga nila ang isa't isa ng pagkain.

Kilig na kilig naman ang kapwa nila housemates na sina Charlie Flemming at River Joseph sa nakitang sweetness, maging ang netizens na nagpahayag ng kanilang kilig at saya sa pagkakabati ng dalawa.

KILALANIN ANG KAPUSO AT KAPAMILYA HOUSEMATES NG 'PINOY BIG BROTHER CELEBRITY COLLAB EDITION' SA GALLERY NA ITO:

Maraming netizens ang nagkomento ng kanilang suporta dahil nagkabati na sina Dustin at Bianca.

Isang netizen pa ang nagkomento, “Dustbia layag uli?”

Isang comment naman ang nagpahayag na bagay talaga sina Dustin at Bianca sa isa't isa, at sinabing normal lang na magselos.

Isang netizen naman ang “nabuhayan” dahil okay na umano ang dalawa, “Wow!!! Grabe ok na cla hahahahaa nabuhayan ako hahahaha.”

Komento ng isa pang netizen, “Enebe Biancakes pa move on na kami eh kilig kilig ulit haha”

Isang netizen pa ang nagsabi na endgame nila ang tambalan nina Dustin at Bianca, “Finally haist ang dull ng BNK kapag nagkakatampuhan tong dalawa kasi damay lahat sila sa tension. #DUSTBIA ang ENDGAME pa rin.”

Source: tiktalks0205/YT