
Magkahalong kilig at good vibes ang handog nina Dustin Yu at Bianca De Vera sa kanilang fans na ipinarating nila sa pamamagitan ng isang video na in-upload nila sa social media.
Ayon sa caption ni Dustin sa kanyang post, ang video nila ni Bianca together ay regalo nila sa kanilang DustBia fans at iba pang supporters.
Sulat niya, “Aming munting regalo para sa inyo #isangtaon DustBia.”
Mapapanood sa video ang masayang jam session o pagdu-duet nila habang magkasama sa loob ng isang sasakyan.
Labis na kinakiligan ng kanilang supporters ang video na ito at ang ilan ay napa-comment pa sa post ng Kapuso actor.
Mababasa rin sa comments section ang pahabol na message ni Bianca para sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanila ni Dustin.
Ayon sa caption ng Kapamilya star, “Happy one year DustBia, this song is dedicated to you.”
Sa kasalukuyan, mayroon nang 121,000 heart reactions ang makulit na video nina Dustin at Bianca.
Matatandaang nagsimula ang tambalan nina Dustin at Bianca a loob ng Bahay Ni Kuya nang maging official housemates sila sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Samantala, kasalukuyang mapapanood ang dalawang actor sa GMA Prime series na The Secrets of Hotel 88, kung saan kasama nila ang iba pa nilang ex-PBB housemates. edition.
Related gallery: These ex-PBB housemates are friendship goals