GMA Logo dustin yu and bianca de vera
source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Dustin Yu, Bianca de Vera on how they handle bashing: 'Ngayon, okay na'

By Kristian Eric Javier
Published July 17, 2026 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manaoag school suspends face-to-face classes over social media threat
GMA Network reports higher 2025 earnings, sustains multi-platform leadership
Farm to Table: Masarap na kainan sa Batangas!

Article Inside Page


Showbiz News

dustin yu and bianca de vera


Mas tumibay na raw sina Bianca de Vera at Dustin Yu pagdating sa mga natatangap nilang pamba-bash online.

Bilang celebrities, hindi na umano bago kina Dustin Yu at Bianca de Vera ang maging laman ng fake news at makatanggap ng pamba-bash online.

Kung dati ay sobrang apektado pa ang dalawang aktor, ngayon ay nasanay na raw sila sa mga natatanggap na negatibong komento.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 17, sinabi ni Dustin na natatawa na lang siya sa mga fake news na lumalabas tungkol sa kaniya o kay Bianca.

“Parang pinapakita ko sa kaniya palagi, 'Ano 'to? Kailan 'to? Ba't nila alam, e, ako nga mismo, hindi ko alam na may ganiyan,' or, 'Hindi naman totoo 'yan, bakit sila nakakagawa ng ganu'ng katulad na storya?' Parang nakakatawa, at the same time, kailangan mo na lang din tanggapin,” sabi ni Dustin.

Kaakibat ng fake news ay pamba-bash ng mga tao. Inamin ni Bianca na noong nag-uumpisa pa lang siya ay lagi niyang binabasa ang mga komento sa kaniya ng netizens online, kaya naman sobra rin siyang nasasaktan.

“I'm always so conscious of what people think of me, and I said in an interview before na it actually took me a while in order to build this type of gut. Kasi 'di ba sa industriya natin, patibayan ng sikmura?” sabi ni Bianca.

“So ngayon, okay na. But before, siyempre it was hard,” pagpapatuloy ng aktres.

BALIKAN ANG KILLER RESPONSES NG CELEBRITIES SA PAMBA-BASH NA NATANGGAP NILA SA GALLERY NA ITO:

Kamakailan lang ay naging sentro ng pamba-bash sa aktres dahil sa sagot niya sa isa sa mga tanong sa noontime show na It's Showtime. Sa “Laro Laro Pick” segment ng show, tinanong ng host na si Vice Ganda ang jackpot question na “Saang bansa unang umere ang 'Big Brother?”

Nagbigay rin ng clue si Vice na sa parehong bansa rin matatagpuan ang ICC headquarters.

Dahil nagkamali si Bianca sa sagot niyang United States of America, hindi siya nakaligtas sa mga pamba-bash ng netizens.

Sa kanilang panayam sa naturang GMA Afternoon Prime talk show, inamin ni King of Talk Boy Abunda na maging siya ay hindi malalaman ang sagot kung hindi pa niya nakausap noon ang creatives ng Pinoy Big Brother.

Panoorin ang panayam kina Dustin at Bianca dito: