
Thankful si Dustin Yu sa viewers at fans ng suspense collab series ng GMA at ABS-CBN na The Secrets of Hotel 88.
Usap-usapan online ang kanyang post tungkol dito, kung saan ipinaabot niya ang heartfelt message niya para sa mga sumubaybay sa serye at maging sa karakter na ginampanan niya rito.
Sulat ni Dustin, “Muli, maraming salamat sa mga sumubaybay sa The Secrets of Hotel 88.”
Nagpasalamat din siya sa mga taong bumuo at naging parte ng collab series, “Maraming Salamat sa lahat ng bumuo ng istoryang ito @gmanetwork, @abscbn, @annettegozonvaldes, @starcreativestv, @sparklegmaartistcenter, iwantofficial, @desmdg, @henrykingquitain, @pammqui.”
Si Dustin ay napanood at nakilala sa serye bilang si Edward Arellano.
Kabilang sa maraming beses niyang naka-eksena rito ay ang isini-ship sa kanya na kapwa niya ex-housemate sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na si Bianca De Vera.
Ano pa kaya ang mangyayari sa istorya at mga karakter sa The Secrets of Hotel 88?
Related gallery: Ex-housemates reunite for The Secrets of Hotel 88 mid-season mediacon
Patuloy na tumutok sa natitirang last episodes ng suspense collab series na The Secrets of Hotel 88.
Mapapanood ito ngayong Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m sa GMA Prime.
Ipinapalabas din ang serye sa Kapuso Stream, GMA Pinoy TV, TFC, iWant TV, at Kapamilya Online.