GMA Logo Dustin Yu, River Joseph, Ralph de Leon
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Dustin Yu, River Joseph, Ralph de Leon, ipinakilala ang kanilang mga karakter sa 'The Secrets of Hotel 88'

By Kristian Eric Javier
Published February 24, 2026 12:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 lalaki, huli sa basag-kotse at pagtangay ng bag na may lamang baril at ₱200K
Tomatoes end up by the road in Nueva Vizcaya due to oversupply
K-Pop stars draw attention as they head to Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Dustin Yu, River Joseph, Ralph de Leon


Kilalanin ang mga karakter nina Dustin Yu, Ralph de Leon, at River Joseph sa upcoming series na 'The Secrets of Hotel 88.'

Unti-unti nang nakikilala ang mga karakter sa upcoming GMA Prime series na The Secrets of Hotel 88. Sa pagbisita nina Dustin Yu, River Joseph, at Ralph de Leon sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, ipinakilala nila ang kani-kanilang karakter.

“So ako po, Tito Boy, ang role ko sa series is, si Martin Madrigal. Ang kapatid ko po du'n ay si Will (Ashley) and si Brent (Manalo) so we're one of the families na part po ng kwento,” pagbabahagi ni Ralph.

Gagampanan naman umano ni Dustin ang role ni Edward Arellano. Ang family friend ng pamilya nina Jade Almazan, ang role na gagampanan ni Bianca de Vera.

Pagbabahagi pa ni Dustin, “Tapos, high school crush ko si Bianca.”

Si River naman ang gaganap bilang panganay ng Almazan siblings na si Leon Almazan. Kapatid niya sina Luna, na gagampanan ni Mika Salamanca at Justin, ang karakter na ginagampanan ni Josh Ford.

“My family is family friends with both Ralph's Family and Dustin's Family. And siyempre, from the title itself, it revolves around a hotel,” sabi ni River.

Ayon kay Ralph, hindi pagtatago sa likod ng unan ang magiging pangunahing reaksyon kapag pinanood ang The Secrets of Hotel 88.

Sa halip, sabi ng aktor, “Alam n'yo po 'yung parang at the edge of your seat every single second. Parang may gusto kayong panggigilan kasi 'Ano'ng mangyayari next?' 'Yun po 'yun.”

“Talagang aabangan po,” sabi naman ni Dustin.

TINGNAN ANG ULTIMATE BOYS DAY OUT NINA DUSTIN, RIVER, AT RALPH SA GALLERY NA ITO:

Dahil naka-locked in taping sila para sa serye, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung ang karanasan ba nila, bilang former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Housemates sa paggawa ng serye, at parang bumalik lang sila sa loob ng Bahay ni Kuya.

Sabi ni Ralph, parang ganu'n na rin ngunit ang kaibahan lang ay catered ang pagkain nila at hindi na sila nagkakaroon ng pagkakataon magluto dahil abala sa pagmemorya ng script.

Kwento pa ng aktor, ikinagulat din nila na wala namang nagkakatampuhan sa pagitan ng former housemates sa set, dahil malayo at maluwag na hotel kumpara sa maliit na bahay.

“Parang hindi po siya kasi tulad nu'ng bahay na parang ang liit po talaga ng space namin so siyempre mas prone to 'yun nga, mga tampuhan, mga away. And here, 'yung hotel po namin is like beside the water, the ocean,” sabi ni Ralph.

Pagpapatuloy ng aktor, “So kung gusto n'yo po mag-relax, kung gusto n'yo po mag-isip, or just to be alone, you have all the space to do it. Alam mo 'yung mga nature na ganu'n na 'Just to clear my head.'”

Panoorin ang panayam kina Dustin, Ralph, at River dito: