
Isang thrilling at action-packed na Korean drama ang muling aabangan sa GMA dahil palabas na ang sci-fi thriller drama na Duty After School.
Matutunghayan sa Duty After School sina Lim Se-Mi bilang Shannon/Ms. Park, Kim Ki-Hae bilang Chino, Kwon Eun-Bin bilang Nora, Lee Soon-Woo bilang Ruel, at Shin Hyun-Soo bilang Diego.
Hango sa webtoon ni Ha Il-kwon, ang kuwento ng Duty After School ay iikot sa buhay ng mga senior students ng Sungjin High School na na-recruit sa military reserve forces matapos salakayin ng mga alien spheres ang kanilang lugar.
Kung noong una ay college entrance exams lang ang kailangang intindihin ng Class 3-2, ngayon ay kailangan na nilang mag-training at makipaglaban sa mga extraterrestrial creatures para mabuhay.
Paano mag-aadjust ang mga estudyante sa kanilang bagong realidad? Mapagtagumpayan kaya nilang iligtas ang kanilang mundo?
Abangan sa Duty After Class sa GMA, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 a.m. to 9 a.m.