
Habang inaabangan ng lahat kung ano ang mangyayari sa "Romeo and Juliet" ng MAKA na sina Zephanie at Dylan Menor, isang nakakakilig na TikTok video ang ibinahagi ng ZephLan sa kanilang fans.
Gumawa ng video sina Dylan at Zephanie bilang Romeo at Juliet ng MAKA kung saan puno ito ng kanilang sweet moments.
"In another life...," caption ni Zephanie.
"In another life, it's still you, Juliet," sulat naman ni Dylan sa comments section.
@zephanieofficial In another life…❤️🩹
♬ original sound - Zephanie
Kasalukuyang mayroong 44,300 views ang sweet video na ito ng ZephLan at umani rin ng mga nakatutuwang komento mula sa kanilang fans.
Mapapanood pa kaya natin ang performance nina Dylan Menor at Zephanie bilang Romeo at Juliet sa MAKA?
Huwag palampasin ang mga tagos-pusong eksena nina Dylan Menor at Zephanie sa season finale ng MAKA ngayong Sabado, December 7, 4:45 p.m. sa GMA.
TINGNAN ANG KILIG MOMENTS NINA DYLAN MENOR AT ZEPHANIE SA GALLERY NA ITO: