
Mayroon na lamang natitirang isang episode ang MAKA. Mapapanood ngayong Sabado, December 7 sa GMA ang season finale nito.
Maraming manonood ang napamahal na at tumutok sa inspiring na kuwento ng MAKA squad na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, Chanty, at May Ann Basa.
Bukod dito, kinakiligan din ang MAKA love team na sina Zeph at Dylan, Ashley at Marco, at Olive at JC.
Kaya naman ang hiling ngayon ng viewers ay magkaroon ng season 2 ang youth-oriented show.
Mas matagal pa kaya nating makakasama ang Gen Z barkada ng MAKA? Abangan!
KILALANIN ANG CAST NG MAKA SA GALLERY NA ITO: