
Abala ngayon ang Kapuso heartthrob na si Dylan Menor sa taping ng upcoming Gen Z series na MAKA, na mapapanood na ngayong September sa GMA.
Noong Martes (September 10), ipinakita ni Dylan ang ilang behind-the-scenes mula sa taping ng MAKA sa Antipolo, Rizal, kung saan kitang-kita ang closeness ng cast.
Sa upcoming youth-oriented drama series ng GMA Public Affairs, makikilala si Dylan bilang Dylan Dela Paz, isa sa mga estudyante sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas Mac Arthur High School for the Arts o MAKA. Kilala siya bilang crush ng bayan pero notorious bully naman sa kanilang school.
Makakasama ni Dylan sa teen show ang kapwa niya Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, Chanty Videla, at May Ann Basa. Makakatrabaho rin niya ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
Samantala, hindi pa man nagsisimula ang show, nagbigay kilig na ang MAKA love team na sina Dylan at Zephanie sa kanilang fans sa kanilang duet ng kantang "Palagi" ni TJ Monterde.
Abangan ang MAKA, simula September 21, 4:45 p.m. sa GMA.
MAS KILALANIN SI DYLAN MENOR SA GALLERY NA ITO: