
Noon pa lamang, tila inaabangan na ni EA Guzman ang araw na maikasal siya sa Lolong star na si Shaira Diaz.
Ayon sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Sabado, June 7, may sentimental touch ang kanilang kasal dahil ang wedding soundtrack ay isinulat mismo ni EA sampung taon na ang nakararaan.
"'Yung sinulat kong kanta for her 10 years ago, yes, ngayon tapos ko na siyang i-record. 2015 ko siya sinulat, it's my original composition," ikinuwento ng aktor.
Ibinahagi ni EA na ang kaniyang isinulat na kanta ay tungkol sa kanilang love story at kung paano sila nagkita hanggang sa kanyang mga pangako kay Shaira.
Ibinida rin ng dalawa ang kanilang sorpresa para sa kanilang mga fans dahil malapit na nilang ipasilip ang kanilang prenup shoot na ginanap sa South Korea.
Nagkaroon naman sina EA at Shaira ng isa pang prenup shoot nitong weekend sa Quezon City.
Ngayong August, mag-iisang dibdib na sina EA at Shaira. Ipinagdiwang ng Kapuso real-life couple ang kanilang anniversary bilang magkasintahan nitong February.
Panoorin ang buong balita dito:
Samantala, balikan dito ang pagmamahalan nina EA Guzman at Shaira Diaz: