GMA Logo Shaira Diaz
What's on TV

Shaira Diaz, grateful sa magandang ratings ng 'Lolong: Pangil ng Maynila'

By Marah Ruiz
Published May 22, 2025 3:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Is Chavit Singson considering to buy Miss Universe Organization? 
27 couples wed in Jaen civil wedding
BTS's pop-up store is coming back to Manila this December

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira Diaz


Malaki ang pasasalamat ni Shaira Diaz sa magandang ratings ng 'Lolong: Pangil ng Maynila.'

Kasabay ng lalong gumagandang kuwento, gumaganda rin ang ratings ng primetime action-drama series na Lolong: Pangil ng Maynila.

Dahil dito, malaki ang pasasalamat ng aktres na si Shaira Diaz na dumaan talaga sa ilang matitinding eksena sa serye.

"Masayang-masaya kaming lahat dito. Nagbunga lahat ng pagod namin, lahat ng iyak, lahat ng pawis, lahat. Noong nalaman namin namin na ito 'yung rating namin, grabe, na-motivate kami, na-recharge kami, mas lalo kaming ginanahang magtrabaho," kuwento niya.

Ayon naman sa bida ng serye na si primetime action Ruru Madrid, hindi pa tapos ang mga plot twists ng dapat abangan sa programa.

"Marami pong mga rebelasyon ang mga mangyayari dito po sa susunod po natin na mga episodes. Mayroon ding mga mabubuhay at madadagdag na kalaban. Mayroon ding magkakaaminan kung ano ba talaga ang totoo nilang pagkatao," paliwanag niya.

Samantala, bukod sa Lolong: Pangil ng Maynila, marami pang ibang bagay ang pinagkakaabalahan nina Ruru at Shaira.

"Mayroon kaming tour sa Canada ng August to September. Sa mga Kapuso po natin na nandiyan po sa Canada, magkita-kita po tayo diyan. Kasama ko po diyan si Kyline (Alcantara), si Mama Aiai delas Alas, si Jessica (Villarubin) so magkitakita po tayo," pag-imbita ni Ruru.

Para naman kay Shaira, nalalapit na ang kanyang kasal sa longtime boyfriend at kapwa Kapuso na si EA Guzman.

"Magiging busy na 'ko sa wedding preparations dahil nalalapit na rin ang aking kasal. Busy sa business din," bahagi niya.

Patuloy na tumutok sa Lolong: Pangil ng Maynila, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.