
Buhay ng content creator na si Boss Toyo ang tampok sa upcoming brand-new episode ng Magpakailanman.
Si Kapuso actor EA Guzman naman ang gaganap sa kanya sa episode na pinamagatang "Pinoy Pawnstar: The Boss Toyo Story."
Bago sumikat bilang si Boss Toyo, siya ang simpleng si Jayson na lumaki sa isang mapagmahal na pamilya.
Pero nang malaman ni Jayson na ampon siya, magsisimula siyang magrebelde, magkaroon ng bisyo, at mabarkada sa mga taong hindi magagandang impluwensiya sa kanya.
Paano kaya nabago ni Jayson ang kanyang buhay?
Abangan ang brand-new episode at unang Father's Month special na "Pinoy Pawnstar: The Boss Toyo Story," June 13, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.