
Noong December 2021, sinorpresa ng Kapuso actor na si Edgar Allan Guzman ang kanyang inang si Sarrie ng isang bagong bahay na tatlong taon niyang pinag-ipunan.
Ngayon, paunti-unti nang natutupad ang gustong disensyo ni EA sa kanilang bagong bahay dahil tapos na ang kanyang "man cave bar."
"May room kasi doon tapos pina-transform ko into a man cave bar. Ngayon, tapos na siya after ilang months, kumbaga, of planning kung ano 'yung maganda ilagay, kung paano magandang design," masayang kuwento ni EA sa GMANetwork.com sa pictorial ng pinakabago niyang GMA Afternoon Prime series na Nakarehas Na Puso.
"Ngayon tapos na siya, and marami na rin akong na-invite na friends and families na nagpunta doon."
Ayon kay EA, simple lang ang ginawa nilang disensyo sa kanyang man cave upang makapag-isip-isip tuwing nandoon siya.
"Kung mapapansin mo, simple lang 'yung bar ko. Man cave bar siya pero hindi ako naglagay ng mga bote like liquors, ayoko, e. Kumbaga, simple lang, industrial lang siya tapos may Chris Brown lang na frames kasi idol ko si Chris Brown," paliwanag ni EA.
"Tapos may 'Hustle' lang na nakalagay na pink led. Ako kasi 'yung tao na 'pag gusto kong mag-isip about my career, anong next move ko, ano 'yung dapat ko pang aralin, gusto ko doon ako sa lugar na chill, ako lang 'yung nandoon sa place na 'yun.
"Kaya ko nilagay 'yung 'Hustle' na word na 'yun is para everytime na mag-iisip ako, titingin akong ganon, makikita ko 'yun. So, it will inspire me to think and plan ahead of time kung ano pa 'yung pwede kong gawin sa career ko at sa buhay ko."
Ngayong may sarili na siyang bahay, hindi maitago ni EA ang saya na realidad na ang dating mga pangarap niya lang.
"Sobrang happy ako, kumbaga mas lalo akong ginagahan magtrabaho kasi nakukuha ko 'yung mga pangarap ko lang dati. Hindi ko sinasabi 'to para magmalaki or magyabang, sinasabi ko 'to para ma-inspire 'yung mga Kapuso natin na to work hard and study hard para at least maabot at makuha niyo 'yung mga pangarap niyo sa buhay," pagtatapos ni EA.
Abangan si EA sa Nakarehas Na Puso, malapit na sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG HOTTEST PICTURES NI EA DITO: