GMA Logo Allan K, Miles Ocampo
Source: Eat Bulaga
What's on TV

'Eat Bulaga' hosts Allan K at Miles Ocampo, nagpasaya ng dabarkads sa Bukidnon

By Jimboy Napoles
Published October 18, 2022 4:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran's government offers dialogue as protests spread to universities
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban
The fruits to have for Media Noche so you'll attract a prosperous 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Allan K, Miles Ocampo


Maraming salamat sa mainit na pagtanggap, dabarkads sa Bukidnon!

Bumisita ang Eat Bulaga hosts na sina Allan K at Miles Ocampo sa probinsya ng Bukidnon nitong Sabado, October 15, para sa bagong segment ng noontime show na "Sayaw Barangay 2022."

Mainit naman ang naging pagsalubong sa kanila ng maraming dabarkads doon na maaga pang dumating sa venue upang makisaya sa kanilang pagdating.

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979)

Sa nasabing bagong dance segment ng programa, umuwing panalo ang Bocboc Dance Troupe ng Brgy. Poblacion, Kadingilan, Bukidnon mula sa limang pambato sa sayawan ng Mindanao na naglaban-laban.

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979)

Bukod dito, nagpa-talent audition din sina Allan at Miles sa mga dabarkads doon para naman sa "Bida Next" provincial auditions.

Nagpasalamat naman ang Eat Bulaga sa masayang pagsalubong at pagtanggap ng mga taga-Bukidnon sa kanilang pagbisita.

"Maraming Salamat sa lahat ng Dabarkads sa Bukidnon na nakisaya at nakasama namin kahapon…mwah mwah tsup tsup," mensahe ng noontime show sa kanilang Facebook post kung saan makikita ang larawan ni Allan at ni Miles na in-character pa bilang batang hamog.

Para sa iba pang updates tungkol sa "Sayaw Barangay 2022," at "Bida Next," tumutok lamang sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA o bisitahin ang Eat Bulaga show page sa GMANetwork.com.

SILIPIN NAMAN ANG NAGING SUGOD-PROBINSIYA NG EAT BULAGA SA ZAMBOANGA DEL NORTE SA GALLERY NA ITO: