GMA Logo eclipse of the heart recap
What's Hot

Eclipse of the Heart: Si Sam nga ba ang lumason sa tatay ni Rina?

By Aimee Anoc
Published July 8, 2024 11:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

UN biodiversity treaty enters into force, aims to protect 30% of oceans by 2030
Check out Brandon Espiritu's men's hygiene tips
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills

Article Inside Page


Showbiz News

eclipse of the heart recap


Isa-isa nang nabubunyag ang sikreto ni Sam!

Ngayong linggo sa Thai series na Eclipse of the Heart, isa-isa nang mabubunyag ang sikreto ni Sam! Pero siya nga ba ang tunay na lumason sa ama ni Rina (Maylada Suri) na si Ben?

Base sa teaser nito, natuklasan na ni Enzo (Mark Prin) na ang kapatid na si Sam (Two Popetorn Soonthonryanakij) ang tunay na nagnakaw ng 40 million na pera ng kompanya, at hindi ang ama ni Rina na si Ben (Game Santi Santiwetchakun).

Matatandaan na pinagbintangan at kinasuhan ni Brian (Nok Chatchai Plengpanich), ama ni Sam at Enzo, ng pagnanakaw ang yumaong ama ni Rina at sinabi rin nitong maaaring nagpakamatay si Ben para matakasan ang pagnanakaw nito sa kompanya.

Kinumpronta ni Enzo si Sam at sinabi na ang mga nalalaman niya tungkol sa sikreto ng kapatid. Ayon kay Enzo, si Sam ang lumustay ng pera ng kompanya para walang makaalam na nalugi ito sa kanyang investment. Hinayaan lamang din ni Sam na ibunton lahat ng sisi sa tatay ni Rina.

Dagdag pa niya, ginagamit lamang din ni Sam si Rina at wala itong feelings para sa dalaga.

Pagtatapat naman ni Sam, wala na siyang choice dahil tinakot siya ni Ben na sasabihin ang totoo sa kanyang ama. Dahil dito, tinanong ni Enzo si Sam kung siya ba ang lumason sa tatay ni Rina?

Patuloy na subaybayan ang Eclipse of the Heart, Lunes hanggang Biyernes, 5:10 p.m. sa GMA.

BALIKAN ANG PAG-AMIN NI ENZO NG FEELINGS PARA KAY RINA SA GALLERY NA ITO: