
Usap-usapan ngayon ang nakakakilig at charming moments ng Pambansang Ginoo na si David Licauco.
Mula sa kaniyang onscreen presence hanggang sa kaniyang head-turning runway appearances, tila kuhang-kuha ni David ang atensyon at kiliti ng mga fan.
Naging viral din ang Kapuso star sa kaniyang nakakakilig na moments kasama ang mga kilalang aktres na sina Barbie Forteza at Kathryn Bernardo.
Habang patuloy na pinag-uusapan ang chemistry ni David sa dalawang female stars, ano naman kaya ang reaksyon ng kaniyang pamilya tungkol dito?
Sa isang cooking segment ng Unang Hirit, bumisita ang ina ni David na si Eden Licauco. Marami ang natuwa at na intriga nang magbahagi siya ng kaniyang reaksyon sa love team at career ng kaniyang anak.
Unang pinag-usapan ang hit love team nina David at Barbie na BarDa.
Masayang inamin ni Mommy Eden, "I'm a fan, I'm a big fan of Barbie and David."
Katulad ng ibang fans, kinikilig din daw si Mommy Eden sa dalawang stars at nais pa nga niyang makita ang Kapuso aktres ng personal.
Pagdating naman sa trending runway moment nina David at Kathryn, kuwento ni Mommy Eden na alam niyang isang dream come true ito para sa kaniyang anak.
"He's been vocal naman kasi na parang dream din niya na maka-partner niya si Kathryn. Noong nakasama niya sa Bench show, I was happy for David," sabi niya.
Kuwento rin ng nanay na nagkita na noon sina David at Kathryn sa kaparehong event ng brand noong nakaraang taon. Okay rin para sa kaniya na magsama ang dalawang stars sa isang TV series o pelikula.
Samantala, may sinabi si Mommy Eden tungkol sa love status ni David.
"He's single, e," klaro niya. "Pag meron [siyang crush] sine-share niya. [Ngayon] wala."
Sa ngayon, abala si David sa kaniyang bagong pelikula na Samahan Ng Mga Makasalanan na mapapanood na sa sa mga sinehan ngayong April 19. Kasama niya rito sina Sanya Lopez, Soliman Cruz, Betong Sumaya, Chariz Solomon, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Jay Ortega, Buboy Villar, at David Shouder.
SAMANTALA, TINGNAN ANG BEHIND-THE-SCENE PHOTOS NI DAVID LICAUCO SA BENCH BODY OF WORK FASHION SHOW DITO