What's Hot

Edgar Allan Guzman on Shaira Diaz: "Lagi naman siyang nasa puso ko"

By Bianca Geli
Published February 19, 2019 4:36 PM PHT
Updated February 19, 2019 4:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: December 23, 2025 [HD]
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Edgar Allan Guzman, muli bang nililigawan ang ex-girlfriend niyang si Shaira Diaz?

Nagkuwento ang Dragon Lady actor na si Edgar Allan Guzman tungkol sa recent Valentine's Day surprise niya para sa ex-girlfriend na si Shaira Diaz.

Edgar Allan Guzman
Edgar Allan Guzman

Ani ni Edgar Allan, malapit na magkaibigan pa rin daw sila ni Shaira.

“Okay naman kami, and since Valentine's Day, at ako wala naman akong ibang Valentine's date, sinubukan kong dalawin siya sa taping niya. Sinorpresa ko siya, binigyan ko ng flowers.”

Nagkataon lang daw na parehas pa silang nakapula ni Shaira noong Valentine's Day nang dalawin niya ito sa taping.

“Kung ano 'yung kulay ng bulaklak na ibibigay ko, ganung kulay na rin sinuot ko. Nagkataon lang na parehas kami ng kulay ng damit ni Shaira.”

LOOK: Edgar Allan Guzman, binigyan ng bulaklak ang ex na si Shaira Diaz

Dagdag ni Edgar Allan, regular daw silang nagkakausap at lumalabas ni Shaira.

Nang tanungin kung nililigawan niya na muli ang ex, sagot ni Edgar Allan:

“Siguro wala namang ligaw ulit kasi lagi naman siyang nasa puso ko."

Senyales ba ito na sila na muli ni Shaira? Matipid ang sagot ni Edgar Allan, “Soon, malalaman niyo.”

Happy Valentine's Day ❤️

A post shared by EA Guzman (@ea_guzman) on

Edgar Allan Guzman talks about his role in 'Dragon Lady'

LOOK: Sighting of the mysterious lady in red