
Matatandaang naging usap-usapan sa publiko si EJ Obiena dahil sa umano'y tampering at embezzlement na inireklamo ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa kaniya noong 2021.
Bilang isang atleta, malaki ang naging epekto nito sa kaniyang karera at pati na rin sa kaniyang personal na buhay. Ngunit mas nag-iwan ito ng sakit at pagsubok sa kaniyang relasyon sa kaniyang ina, si Jeanette Obiena.
Sa kanilang panayam kasama si Boy Abunda sa limited talk series na My Mother, My Story, inamin ni EJ na hindi niya maiwasang magalit at masaktan sa kaniyang ina. Bilang coach, siya rin ay nagtatrabaho sa PATAFA at pilit inaayos ang sitwasyon nang mag-isa.
"Her job was kids athletics which is totally disconnected [from] my position as an athlete and she was not hired because she's my mom. She was hired because she's capable to do her job. So I keep telling her, 'You're not my mom in PATAFA. Well if they want to talk to me, call me. They have my number, they have all of this.' We had this conversation multiple times because I didn't want na kami 'yung magbabanggaan," paliwanag ni EJ.
Nilinaw din ng Olympian athlete na hindi niya alam na nag-abono ang ina ng Php600,000 sa pederasyon. Alam din niya na ginagamit raw ang kaniyang ina para siya'y mas lalong masaktan.
Banggit niya, "They knew where to really strike where it'll hurt. They knew it."
Sa sobrang galit niya noon sa kaniyang ina, nasabihan pa niya ito, "You might be the reason why I cannot fight this."
Ngunit kahit mahirap ang pagsubok na naranasan nila noon, natutong magpatawad at umintindi si EJ sa mga tao sa pederasyon at sa kaniyang ina.
"Most of them I understood the position they were in. I get it. It's not something I would take against them. Right now it's like it's not I feel bad or happy, or anything. I feel indifferent. I think that's when I can truly say I moved on and really put that in my rearview," sabi niya.
Sa kanilang panayam, humingi muli ng tawad si Jeanette sa kaniyang anak para sa mga nagawa niya noon. "Magso-sorry ako kasi hindi ko ito in-open sa kaniya 'yung regarding na mas pinahalagahan ang kaibigan ko kaysa sa kaniya. So naitago ko sa kaniya na ako 'yung nag shell out, ako 'yung nagbigay para itustos sa kaniya. I will tell sorry [for] what happened [and] I become more stronger to stand firm for [what is] right," pahayag ni Jeanette.
Nagpasalamat namn din si EJ sa kaniyang ina sa mga sakripisyo, suporta, at pagmamahal na ibinigay niya para sa kanilang pamilya.
Balikan ang panayam ni EJ Obiena tungkol sa kanyang ina sa video na ito:
Samantala, maaring balikan ang mga iba pang madamdaming episode ng My Mother, My Story, sa GMA Network website at social media pages.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG INTERVIEW SA GALLERY NA ITO: