GMA Logo EJ Obiena and Boy Abunda
What's on TV

EJ Obiena, tampok sa bagong episode ng 'My Mother, My Story'

By Kristine Kang
Published September 22, 2024 11:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: San Miguel secures top spot with win vs Meralco; Oftana powers TNT past Blackwater
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

EJ Obiena and Boy Abunda


Abangan ang kuwento ng Olympian athlete na si EJ Obiena ngayong September 29.

Isa na namang inspiring story ang matutunghayan ngayong September sa limited talk series na My Mother, My Story. Ang bagong tampok sa programa ay walang iba kung hindi ang number 3 pole vaulter sa 2024 World Athletics Rankings at Olympian athlete na si EJ Obiena.

Sa kanyang panayam kasama si Boy Abunda, mas makikilala ng Kapuso viewers ang "Boyfriend ng Bayan" bilang isang anak ng kanyang ina na si Jeanette. Ikukuwento niya ang kanyang inspiring journey na humubog sa kanya bilang isang mahusay at matatag na pole vaulter. Kasama rito ang kanilang istorya kung paano naapektuhan ang kanilang relasyon mag-ina noong ipinaglaban ni EJ ang katotohanan sa umano'y tampering at embezzlement na inireklamo ng Philippine Athletics Track and Field Association noong 2021.

Sa kanyang mga kuwento, matutunghayan din ang mga reyalisasyon ni EJ tungkol sa pamilya, lalo na sa kanyang ina.

"With my mom, actually there's a lot of things that I don't exactly know already so new things to learn about family. (And) this kind of stage is something new so I would say I enjoy that part [of the interview] po," sabi ni EJ tungkol sa kaniyang panayam.

Ayon naman sa King of Talk, dapat abangan ang susunod na episode dahil ipapakita dito ang tunay na pagkatao ni EJ.

"Walang laman ang puso ng batang ito kung hindi katotohanan. His truth and nakaka-inspire. The best way to do an interview, at least the context of what I do, is really just to tell your story," sabi ni Boy Abunda.

Dagdag pa niya, "The lense that you should use, mata mo lang, [at] puso, at isipan. Pero huwag mo hiwalayin iyon. Iyon ang takeaway ko sa kaniya."

Ang kuwento ni EJ ay isa sa anim na itatampok na kilalang personalidad sa My Mother, My Story. Lahat ng guests sa programa ay magbabahagi ng kanilang istorya at kung paano sila pinalaki ng kanilang mga magulang. Ikukuwento rin ang kanilang karanasan kung paano sila tinaguyod, nasaktan, natutong magmahal, at iba pang mga pangyayari sa buhay nila na humubog sa kanilang pagkatao.

Subaybayan ang kaabang-abang na episode ng TV special na My Mother, My Story tampok si EJ Obiena ngayong September 29, 2 p.m. sa GMA.