
Painit na nang painit ang mga eksena sa Apoy sa Langit kaya naman patuloy itong sinusubaybayan mapa-TV man o online.
Ang episode uploads nitong June 28 ay umani ng 3.6 million views at 2.1 million views in less than 24 hours sa Facebook page ng GMA Drama.
Sa episode na ito ay ipinakita ang pakikipagkumpitensya ni Stella kay Gemma para sa atensyon ni Cesar sa isang pictorial. Dahil sa inggit ni Stella ay muntik na sila mapahamak ni Gemma.
Huwag bibitiw dahil marami pang dapat abangan sa Apoy sa Langit, Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.
Samantala, maaari na ring mapanood ang Apoy sa Langit at iba pang GMA Afternoon Prime drama online. Abangan ito sa GMA Network's YouTube account, Facebook page at GMA Entertainment site.