GMA Logo Elijah Alejo in Tadhana
What's on TV

Elijah Alejo, bida sa 'Tadhana: Teen Mama the Finale'

By Bianca Geli
Published May 10, 2024 3:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bystander who tackled armed man at Bondi Beach shooting hailed as hero
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Elijah Alejo in Tadhana


Kinakaya ni Sheena (Elijah Alejo) ang pagiging isang teen mom. Kayanin niya kaya na maulila sa sarili niyang ina?

Ngayong nalalapit na Mother's Day, isang storya ng mag-ina ang tampok sa Tadhana.

Sa pagnanais na maitago ang pagiging batang ina ng kanyang anak ay masasawi si Minerva (Bianca Manalo). Ang naulila at dalagang ina na si Sheena (Elijah Alejo), hustisya ang sigaw para sa biglaang pagpanaw ng kanyang nanay.

Kasabay ng pag-amin niya sa pagkakaroon ng anak, mahanap din kaya ni Sheena ang tunay na salarin sa pagkamatay ni Minerva?

Abangan ang pagpapatuloy ng Tadhana: Teen Mama the Finale, ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.