
Ipinagdiwang ng Sparkle star na si Elijah Alejo ang kanyang 21st birthday nitong November 13.
Ibinahagi ng aktres sa Instagram kamakailan ang mga larawan sa naganap niyang birthday celebration kasama ang Cruz vs. Cruz cast at staff sa kanilang set.
Sa comments section, nakatanggap din birthday greetings si Elijah mula sa kanyang co-stars na sina Vina Morales, Lexi Gonzales, Kristoffer Martin, Pancho Magno, at Tart Carlos.
Bukod dito, nakatanggap din si Elijah ng birthday surprise mula sa kanyang MAKA Lovestream family habang nasa set.
Kasalukuyang gumaganap si Elijah Alejo bilang Coleen sa hit family drama na Cruz vs. Cruz. Napapanood din siya sa hit youth-oriented show ng GMA Public Affairs na MAKA Lovestream.
SAMANTALA, TINGNAN ANG STYLISH MOMENTS NI ELIJAH ALEJO SA GALLERY NA ITO.