
Isa si Elijah Alejo sa mga bagong cast members na aabangan sa ikalawang season ng hit youth oriented show ng GMA Public Affairs na MAKA.
Sa Instagram, ilang photos ang ipinakita ni Elijah na naka-school uniform. Sulat niya, "outfit check! #MAKASeason2"
Sa comments section ng kanyang post, nakatanggap ng suporta si Elijah mula sa MAKA co-stars na sina Ashley Sarmiento at Olive May.
Maraming fans din ang na-excite nang malamang makakasama siya sa bagong season ng MAKA.
Ano kayang role ang gagampanan ni Elijah sa MAKA season 2? Abangan ang pilot episode nito ngayong January 25 sa GMA.
SILIPIN ANG ILANG MGA EKSENA SA SEASON FINALE NG 'MAKA' RITO: