GMA Logo Elijah Alejo
PHOTO COURTESY: itselijahalejo (IG) and Elijah Alejo (Facebook)
What's on TV

Elijah Alejo, nadapa sa set ng 'Underage'?

By Dianne Mariano
Published February 15, 2023 4:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: April 1, 2026
Libreng papsmear at breast exam, handog ng GMAKF sa 100 babae sa Cebu | 24 Oras
Social Experiment - Gasolina para sa nangangailangan; pasahero, nagbulsa ng pamasahe? | Good News

Article Inside Page


Showbiz News

Elijah Alejo


Ibinahagi ni Sparkle actress Elijah Alejo ang isang unseen clip mula sa nakaraang episode ng GMA Afternoon Prime series na 'Underage.'

Isang unseen footage ang ibinahagi ni Sparkle star Elijah Alejo mula sa February 14 episode ng pinagbibidahan niyang serye na Underage.

Mapapanood sa official Facebook page ng Kapuso actress ang naturang unseen clip, kung saan makikita ang mga karakter nina Elijah, Lexi Gonzales, at Hailey Mendes na hinahabol ang isang lalaking nagnakaw ng cellphone ni Celine (Lexi Gonzales).

Sa gitnang parte ng video, makikita na habang tumatakbo ang teen actress ay bigla siyang nadapa ngunit kaagad ding nakatayo at nagpatuloy sa eksena.

Kuwento ni Elijah sa kanyang Facebook post, “P.S. nagkasugat po ako because of this and super sakit po talaga HAHAHAHA kaso the show must go on so takbo pa rin kahit masakit.”

Matatandaan sa 22nd episode ng Underage na nanatili sa isang shed ang Serrano sisters matapos umalis sa ospital dahil hinabol sila ng mga pulis.

Isang lalaki naman ang nagtangkang nakawin ang cellphone ni Celine (Lexi Gonzales) habang natutulog ito kasama ang kanyang mga kapatid. Hinabol ng magkakapatid ang lalaki at nakuha ni Chynna (Elijah Alejo) ang cellphone ng kanyang ate ngunit nabitawan niya ito at nahulog sa kanal.

Samantala, ibinalita ni Remi (Maey Bautista) sa tatlong dalaga na kritikal ang kondisyon ng kanilang ina na si Lena (Sunshine Cruz) matapos sumailalim sa operasyon dahil sa kanyang sakit.

Ano kaya ang susunod na plano nina Celine, Chynna, at Carrie? Makakapunta pa kaya ang magkakapatid sa kanilang ina sa ospital?

Panoorin ang buong February 14 episode ng Underage sa video na ito.

Patuloy na subaybayan ang Underage, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa GMA Afternoon Prime at sa Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Mapapanood din ang Underage via Kapuso stream at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Maaari ring i-stream ang full episodes nito at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG UNDERAGE SA GALLERY NA ITO.